“We are not saved by good works but for good works.”



Magkaiba yung nakikinig sa nakikinig at nakakaintindi. Pano naging magkaiba? Pag nakikinig ka, nakikinig ka lang. Oo ka lang ng oo, pero di mo naman naiintindihan, di mo ginagawa yung sinasabi sayo. Pag nakikinig at nakakaintindi, pinapakinggan mo at iniintindi yung sinasabi sayo. 

Katulad din yan nung pagbabasa saka pagbabasa at pagiintindi. Diba kadalasan pinagbabasa tayo, lalo na pag may pasok. Pero, pag tinamad, binabasa na lang, di na iniintindi yung binabasa. Masabi lang na mabasa. Diba? Iba pa rin pag binasa at inintindi mo yang binabasa mo. 

For example, uhm. Ikaw madalas magsimba, pero yung friend mo minsan lang magsimba. Hindi porket mas madalas ka magsimba kesa sa friend mo, eh mas religious kna sakanya. Pano kung nagsisimba ka nga, nakikinig ka nga sa misa, pero di mo naman iniintindi, di mo isinasabuhay? Wala din dba. Eh yung friend mo, minsan nga lang magsimba, pero sinsasbuhay naman nya yung mga Salita ng Diyos. Hindi ko din naman sinsabing mas religious yung mga madalang magsimba sa madalas magsimba. Ang ibig ko lang sabihin eh, wag tayo yung masabi lang na nagsimba. Yung masabi lang na mabait o religious ka. Isabuhay natin. 

Aaminin ko. Noon, hindi ako masyado nakikinig sa misa, hindi ko iniintindi. Minsan lang talaga ko makinig nun. Pero, hindi na ngayon. Nagbago na eh. Siguro dahil na din sa hindi na ko bata at naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay. Malaki din yung impact sakin nung mga libro ni Joshua Harris. Ang dami kong natutunan.  

Alam nyo, nagtataka din ako sa ibang tao na simbang ligaw, simbang tropa o kaya naman eh simbang porma.  Dba? Yung magsisimba daw, pero nasa labas lang ng simbahan. Yung magsisimba daw, pero poporma lang talaga, maghahanap lang ng Chix o Papabols. Para sakin,  kung magsisimba kayo ng partner mo ng sabay, mas maganda kung kung hindi yung nasa labas lang kayo ng simbahan, mas maganda kung nasa loob kayo ng simbahan at sabay na nakikinig sa misa.

Mas okay din sana kung hind yung puro hingi tayo kay Lord pag nagsisimba o nagdadasal, dba? Kadalasan kasi yung iba, kaya lang nagsisimba o nagdadasal eh dahil may hihilingin sila. Magpasalamat din tayo sa mga blessings na binigay ni Lord satin. Magpasalamat tayo kasi binigyan pa nya tayo ng isa pang araw para mabuhay. Ang poblema kasi sating mga tao, lagi tayong naghahanap nung wala sa atin o yung wala tayo. Totoo naman, dba? Aminado ako na ganyan ako. Pero, bat kaya di tayo makuntento? Maraming bata o tao jan na gusto yung mga bagay na meron tayo, pero hindi natin naappreciate yung mga bagay na yun. Kasi gusto natin lagi ng MAS. Yung mas maganda, yung mas maayos, yung mas mahal, yung mas uso, yung mas madami. Diba? Hindi tayo makuntento dun sa sapat, gusto natin  laging Mas. Sabagay, tao lang tayo. Pero try din nating tumingin sa paligid natin, tignan mo yung mga batang palakad-lakad sa langsangan, i-appreciate mo yung meron ka. Ang sarap sa feeling dba? Kaya dapat maging thankful tayo kay Lord sa mga binibigay nya satin. Hehe. Dapat, lagi nating tandaan na, “Ang lahat ng sobra ay masama.”

Thank You, Lord! Walang hanggang pasasalamat sa lahat. I love you! :> 


Serious face daw? Haha! Mahaba pa buhok ko nyan eh. 

Say Hi to Piggy! Hehe. Bigay ni Beshie. Hi Beshie! :>  




Naalala ko, katext ko yung super close friend ko. Eh, break na sila nung boyfriend nya. Syempre, malamang, nasaktan sya. Di sya okay. Sabi ko, okay lang yun. Kasi part of growing up yun. Sabi nya, part of growing up? Ilang beses pa daw ba sya dapat masaktan? Natawa ko sa sagot nya, biniro ko nalang na mga 88 times pa. Hahaha!

Part of growing up yung masaktan. Hindi lang yung masaktan dahil sa boyfriend ah. Pwede ding sa family, o sa friend. Oo, part ng growing up yung masaktan. Sabi nga ni Daddy, “Experience is the best teacher.” Lahat tayo nasaktan na. Dun sa mga time na nasaktan tayo, may natutunan tayong lesson. At yung lesson na yun, eh dala natin hanggang sa pagtanda natin.

Kadamihan sa kabataan yan ang poblema. Nasaktan/nasasaktan sila dahil sa pag-ibig. Oo, pag nagmahal talaga, masasaktan ka din. Pero, hindi naman siguro ayos kung higit pa yung nararamdamn mong sakit kesa sa nararamdaman mong pagmamahal diba? Kung nagkakasakitan na kayo, bat di nyo muna bigyan ng space ang isa’t-isa? Bigyan nyo muna ng oras ang isa’t-isa. Minsan kelangan din ng dalawang tao na maghiwalay para maggrow. Atleast, sa panahon na magkausap ulit kayo ng partner mo, alam nyo na ang mali nang isa’t isa, at magkakaintindhan na kayo. Edi magiging maayos na ang relationship nyo. 

Wag nating madaliin ang bagay-bagay. Mga bata pa tayo. Ang love, andyan lang yan. Madaming tao sa Philippines. Madaming tao sa mundo. Madami ka pang makakasalamuha, madami ka pang makikilala. May itinakda para sa atin si God. Yung taong mamahalin tayo ng walang hanggan. Sabi nga dba, magmahal tayo sa paraan ni God. Hindi yung sa paraang alam natin. Hindi palang siguro ito yung takdang panahon. Malay mo natraffic lang yun, malay mo nakilala na pala natin yun, malay mo kaibigan mo pala yung nakatakda sayo. Hindi natin masabi. Si God lang nakakaalam nyan. Basta, wag tayo magmadali. :) 


*Smile*

Eto talaga reaction ko deep inside kanina. Kainis! Hahaha! Binalikan pa namin kasi gusto makita ni Armie. Hahaha. Shet! Anobaaaa!! :» 


“Yung makikitawag pa sa iba para lang makausap ka kasi gusto nyang marining ang boses mo at miss na miss ka na nya”

donnaeugenio:

This!!


Your Sweetest Drug: Ang hirap minsan lumugar eh. Di mo alam kung sino paniniwalaan mo. Di...?

donnaeugenio:

Ang hirap minsan lumugar eh. Di mo alam kung sino paniniwalaan mo. Di mo alam kung sino nagsasabi ng totoo kasi nga pinagkakatiwalaan mo eh. Pero ang sakit nung ikaw mismo ung nakakita ng pagsisinungaling o pagloloko sayo nung isa sa mga taong sobrang pinagkakatiwalaan mo. Para kang dinudurog….



Let's be friends! :>

Donna Eugenio

I do boys' stuff, and talk like a man
most of the time. I wear dress
sometimes but I'm more comfortable
with loose shirt, jeans and shoes.

I love to eat. I play guitar and
keyboard, and I'm a frustrated singer.

I want to be a musician and a CPA Lawyer.

Facebook
Follow me on Twitter
Youtube
soundcloud

Beautiful Reader/s

Guitar